Cambodia 2023 SEA Games, Mapapanood sa OneSports at Cignal at Smart

GITING AT GALING! Yan ang papatunayan ng mga atletang Pilipino na sasabak sa Cambodia ngayong Mayo sa 32nd Southeast Asian Games.



Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kasali para sa gaganaping SEA Games ngayong taon sa bansang Cambodia. Mahigit 814 na mga atletang Pilipino ang inaasahan na magpapartisipa sa iba't-ibang sporting events at lalaban para sa gintong medalya.

Samantala. isang all-women delegation sa pangunguna ng volleyball player na si Alyssa Valdez na siyang magiging flag bearer ang kakatawan sa ating bansa para sa opening ceremony na gaganapin ngayong May 5, Biyernes.

Suportahan ang Team Pilipinas para sa kanilang laban para sa bayan sa Cambodia 2023 Southeast Asian Games. Panoorin ang mga laro simula May 5 hanggang May 17  LIVE sa OneSports, OneSports+, livestream sa Cignal Play at Smart Livestream.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form