DELAYED EPISODE NG FPJ'S BATANG QUIAPO NOONG MARTES, TECHNICAL ISSUE ANG RASON


Isa ka rin ba sa naghintay nang matagal nitong Lunes sa “FPJ's: Batang Quiapo” dahil sa delayed na pag-ere nito?

Nitong Lunes, Mayo 15, marami ang nakapansin sa matagal na pagpapalabas ng hit-teleseryeng “FPJ's: Batang Quiapo” sa eksaktong oras na pag-ere nito na alas-8 ng gabi.

Nagkaroon umano ito ng technical difficulties sa nasabing programa kaya ito ang rason kung bakit delayed ang pag-ere ng nasabing programa. 

Ilang manonood ang nagtaka kung bakit mga plug ng teaser ng iba't ibang mga palabas sa Kapamilya at Kapatid ang pinapalabas kahit ganap nang alas-8 ng gabi.

“Yong akala q nagloloko channel ko.. now lang tlga nag start ang #BatangQuiapo @ABSCBN @DreamscapePH, ayon sa tweet ni JCK 🌊 (@xyric25).

Kung may nagtaka, inis naman ang naramdaman ng Tatay ni Berbs na ibinahagi niya sa kanyang tweet.

“INIS NA INIS NA TATAY KO DAHIL DI PA NAGSISIMULA #BATANGQUIAPO anyare @ABSCBN???,” tweet ni mahal ✨ (@mahalBerbs).

Ang ilan naman sa tagasubaybay ng “The Iron Heart” ay nalito rin tungkol sa pagkaantala sa airing ng kanilang paboritong palabas.

“Grabe super late Ang #TheIronHeart #TOHApollo5,” ani @TeamMajaChard.

Dahil sa mga komentong ito, trending topics sa Pilipinas ang #BatangQuiapo, #TheIronHeart, #DirtyLinen, #JanineGutierrez, at iba pang kaugnay nito.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form