PHTV PREMIERE NG "BABAE AT BARIL", "ANG TURKEY MAN AY PABO RIN", "GUSTO KITA WITH ALL MY HYPOTHALAMUS" AT IBA PANG CIGNAL ENTERTAINMENT MOVIES TAMPOK NGAYONG LINGGO SA CINECINCO!

 

Pag-ibig sa ibang lahi, pag-ibig na masaklap, pag-ibig sa isang bagay at pag-ibig na complicated. May pag-ibig na masaya, merong ding malungkot, nakukuha sa isang tao o di kaya minsa'y nakukuha sa pagmamahal sa sarili mo.

Ilan lamang yan sa mga temang masasaksihan ngayong linggo (May 15-19) sa mga obra pelikula ng Cignal Entertainment sa CineCinco ng TV5!



Uumpisahan nang makakita si Cookie (Tuesday Vargas) ng isang AFAM na si Matthew (Travis Kraft) at kung paano nila haharapin ang mundo nang sila'y magmahalan! Magka-ibigan kaya? O maging magkaibigan? "ANG TURKEY MAN AY PABO RIN", F1SRT TIME SA TV na mapapanood sa Lunes, Mayo 15.


Di pangkaraniwang sakit ang nagtagpuan kay Norma (Sue Ramirez) nang s'ya'y tutok na tutok sa kanyang gadgets at internet, kung kaya't napilitan siyang manirahan muna sa probinsya NANG WALANG INTERNET! Keri kaya itez ni Norma? Kung matatagpuan n'ya naman ang magpapatibok ng puso n'yang si Aries (Jameson Blake)? "ANG BABAENG ALLERGIC SA WI-FI", eere sa Martes, Mayo 16.


Isang aksidente naman ang nangyari kay Jagger (Ruru Madrid) na nagpakalimot sa kanyang pag-iisip, habang may kakayahan namang makaalala ng bawat detalye si Cara (Jasmin Curtis Smith), ano nga kayang pwedeng mangyari kung muli silang magsama? Alamin sa TV5 PREMIERE ngayong Miyerkules, Mayo 17 ng "CARA X JAGGER".


Sina Caloy (Nicco Manalo), Lando (Soliman Cruz), Obeng (Anthony Falcon) at Alex (Dylan Ray Talon) ay mga lalaking naghahanap ng babaeng kukumpleto sa kanilang pangangailangan at kagustuhan, ngunit nang makita nila si Aileen (Iana Bernandez) anong gagawin nila para makuha ang iisang dalagang inaasam nila? Tingnan sa "GUSTO KITA WITH ALL MY HYPOTHALAMUS" na F1RST TIME mapapanood sa TV sa Mayo 18, Huwebes.


Isang babae ang makakapulot ng isang baril sa kalagitnaan ng kanyang pagtatrabaho, ano kayang kanyang gagawin lalo na't talamak na problema ang nakapaligid sa kanya? Tatapusin nila Babae (2020 Gawad Urian "Best Actress" Janine Gutierrez), Jun (Elijah Canlas), Male (Felix Roco) at Miguel (JC Santos) ang linggo sa Gawad Urian award winning movie na F1RST TIME SA TV eere, "BABAE AT BARIL" ngayong Mayo 19, Biyernes.


Siksik nang Cignal Entertainment movies ang linggo sa mas pinalaking CineCinco! Mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 3:30PM pagkatapos ng Bakit Manipis Ang Ulap at bago mag Frontline Pilipinas sa #HaponChampion ng TV5.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form