TED FAILON AND DJ CHACHA, HUMAKOT NG PARANGAL SA GANDINGAN AWARDS


Humakot ng parangal ang tambalang Ted Failon at DJ Chacha sa katatapos lang na 17th UP ComBroadSoc Gandingan Awards nitong Mayo 13, 2023.

Pinarangalan ang programang "Ted Failon and DJ Chacha sa Radyo5" bilang "Most Development-Oriented FM Program.


Samantala, ginawaran si Czarina Maria Guevarra o mas kilala bilang si DJ Chacha bilang Best FM Radio Program Host.

Sa kabilang banda, iginawad kay Ted Failon ang Special Citation Award para sa Gandingan ng Kalikasan.

Mapapanood at mapapakinggan ang programang “Ted Failon at DJ Chacha Sa Radyo5” sa TV5, One PH at 92.3 Radyo5 TRUE FM tuwing Lunes hanggang Biyernes simula alas-6 ng umaga.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form