KI FLASHBACK | TV5 UNVEILS NEW SLOGAN, "IBA SA 5" WITH NEW AND IMPROVED LOGO


Dalawang taon na ang nakalipas (May 20, 2021) nang mapanood sa TV5 ang 2021 station ID na "IBA sa 5."

Kasabay ng bagong station ID ay binigyan ng bagong istura ang logo ng TV5 dahil sa mas pinatingkad nitong mga kulay.

Inilunsad ang "IBA sa 5" bilang pagpapakilala sa TV5 bilang the best alternative channel sa mga Pilipino, na nagtatampok ng iba't ibang mga contents mula sa mga kilala at world class content providers ng bansa. 

Kasama sa 2021 TV5 Station ID ang mga artista ng mga original Kapatid shows tulad ng Sing Galing, Niña Niño, Lunch Out Loud (o mas kilala bilang Tropang LOL), at marami pang iba.

Nandyan din sa TV5 station ID ang mga News5 Personalities, at ang mga programa mula sa ABS-CBN Entertainment.

Dahil sa kanilang station ID, itinanghal na National Winner sa kategoryang "Best Promo/Trailer" ang “IBA SA 5” sa Asian Academy Creative Awards 2021.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form