RITZ AZUL MAGHIHIGANTI SA "MISIBIS BAY" SIMULA LUNES!


Kakayanin mo kayang makipagsabayan sa paraisong puno ng pantasya't sikreto? 'Yan ang aalamin natin sa pagbabalik ng isa sa mini serye ng TV5, "Misibis Bay"!

Kwento ni Maita (Ritz Azul) at kung paano s'ya gagawa ng paraan na makuha ang inaasam na paghihiganti nang s'ya'y pagdamutan ng lupa ng pamilya ni Miranda (Vivian Velez).

Gamit ang kanyang kagandahan, maaakit n'ya ang isa sa nang-traydor sa kanila na si Anthony (Christopher De Leon). At dahil dito, paiibigin n'yang muli ang lalaking sumira ng kanilang buhay upang makuha ang inaasam na paraiso. 

Ngunit sa pagbuo n'ya ng kaniyang plano, posible kayang gumuho ito dahil lang sa pag-ibig? Maagaw pa kaya n'ya ang inaasam n'yang pagkapanalo kung maraming gustong kumuha nito? 

Sa ika-10 anibersaryo nito, muling sariwain ang kwento ng pag-ibig, panlilinlang at paghihiganti. Shot in Bicol's Premiere Island Resort, catch "Misibis Bay" muling mapapanood simula May 22, Lunes hanggang Biyernes 3:30-4:30pm pagkatapos ng "Bakit Manipis Ang Ulap?" sa Hapon Champion ng TV5!

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form