FRONTLINE PILIPINAS, MATAGUMPAY ANG NAGING PAGBABALIK SA 6:30PM SLOT


Nagsimula na ngayong Lunes, May 22 ang mas pina-init na balitaan sa TV5 primetime newscast na "Frontline Pilipinas".

Ngayong araw kasi, bumalik na sa original timeslot nito na 6:30PM ang Kapatid-top rating newscast na ina-anchor nina Julius Babao at Cheryl Cosim.

Unang nagsimula noong October 5, 2020 ang Frontline Pilipinas na unang in-anchor nina Cosim at noo'y simpleng broadcaster lang na si Raffy Tulfo.

Kasama din sa naturang newscast ang veteran journalists na sina News5 Chief Luchi Cruz-Valdes, Frontline Tonight anchor Ed Lingao at Lourd de Veyra na may kanya-kanyang segment. 

Ang Frontline Pilipinas ang naging kapalit ng 10-year old Kapatid newscast na Aksyon na namaalam sa ere kasabay ng pagputok ng COVID-19 pandemic.

Nakasama naman ni Cosim si Babao nung February 7, 2022 matapos umalis ni Babao sa ABS-CBN News, at pagtakbong Senador ni Tulfo na kalaunan ay kanyang napanalunan.




Maraming netizens ang na-excite at nagbigay papuri sa Frontline Pilipinas, lalo na sa mas pinaganda nitong logo na pinatingkad ng kulay white at orange; gayundin ang mas enhanced na opening billboard (OBB) ng newscast.

Ilang netizens din ang nagsabi na mas nabigyan sila ng alternatibong news program sa naturang timeslot, na dinomina na noon ng 24 Oras ng GMA Network at TV Patrol ng ABS-CBN Corporation. 

Kaya simula ngayong araw, napapanood na ang Frontline Pilipinas, 6:30PM bago mag-#FPJsBatangQuiapo sa TodoMax Primetime Singko block ng TV5.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form