TRIPLE TREAT NI TV5 TUWING LINGGO, AARANGKADA NA SIMULA MAY 14!


Simula ngayong araw ng mga dakilang ina, May 14, magsisimula na ang trio pasabog ng TV5 na magpapasaya sa bawat Kapatid tuwing Linggo. 

Pagpatak ng 4:00PM, magpapakilig sa mga Pilipino ang adaptation ng hit novel na "The Rain in España" mula sa University Series ng Wattpad.

Kasalukuyang napapanood ang naturang series na pinagbibidahan nina Marco Gallo at Heaven Peralejo sa Viva One, ang isa sa streaming platforms ng Viva Communications, Inc.

Pagkatapos nito, back-to-back saya naman ang handog ng dalawang programa mula sa TV5, Cignal at APT Entertainment. 

Pagsapit ng 5:00PM, magbibigay-aliw ang game show na "Emojination". 

Hosted by The "MAJA-sty" Maja Salvador at Awra Briguela, siguradong mahahasa ang imagination ng bawat Kapatid pagpatak ng alas-singko ng hapon. 

At pagdating naman ng 6:00PM, makisali na sa tawanan at aksyon sa bagong sitcom ng Kapatid Network, ang "Jack and Jill Sa Diamond Hills", starring Jake Cuenca at Sue Ramirez.

Ito ay kuwento nina Jack and Jill, dalawang pulis na may isang malaking misyon sa loob Diamond Hills, kaya magpapanggap ang dalawa bilang mag-asawa para magawa nila ng kanilang misyon. 

Kaya tutok lang sa mga bagong programang handog ng Kapatid Network simula May 14 (Linggo), 4:00PM pagkatapos ng #FPJDaKing sa Weekend Trip ng TV5!

May catch-up episodes din ang Emojination at Jack and Jill sa Diamond Hills sa BuKo Channel sa Cignal TV, SatLite at Cignal Play simula 7:00 PM.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form