TVJ, NAGPAALAM NA SA EAT BULAGA, TAPE INC.; LILIPAT ANG TRIO SA TV5?

Inanunsyo ng TV hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon (TVJ) ang pag-alis ng Eat Bulaga sa TAPE Inc. simula ngayong Miyerkules, Mayo 31.

"Kami po ay magpapa-alam na sa Tape INC.. Karangalan po namin na kami'y makapag hatid ng tuwa't saya mula Batanes hanggang Jolo, at naging bahagi ng buhay ninyo,” pahayag ni Vic Sotto.

“Maraming maraming Salamat sa inyong lahat, hanggang sa muli, saan man kami dalhin ng tadhana tuloy ang isang libo't isang tuwa... Thank You," dagdag pa ng host.

Paliwanag pa ng mga TV host, na hindi sila umano pinayagan ng new management na umere ng live ngayong araw kaya naman replay ang napanood sa telebisyon. 

Ang TVJ o sina Tito, Vic, and Joey ay mga original host ng naturang longest noontime variety show ng Pilipinas na napanood na sa tatlong istasyon mula RPN-9 noong 1979 haggang 1989, ABS-CBN simula 1989 haggang 1995, at GMA noong 1979 haggang sa kasalukuyan.

Kamakailan nang pumutok ang hindi pagkakanawaan sa pagitan ng TV hosts ng noontime show at bagong management ng TAPE Inc.

Narito ang buong pahayag nina Tito, Vic at Joey mula sa Eat Bulaga YT Channel.



Ayon sa mga naunang ulat tungkol sa isyu sa pagitan ng TAPE Inc. at mga original host ng Eat Bulaga na nagpapahiwatig ng posibleng paglipat nina Tito, Vic, at Joey. 

Ang isyu sa pagitan ng dalawang partido ay nagsimula matapos ang Dapitan City Mayor Bullet Jaloslos at ang kanyang mga kapatid ay kinuha ang TAPE Inc., na dating sa ilalim ng pamamahala ng dating kinatawan ng House na si Romeo Jalosjos. 

Bago pa man lumitaw ang issue, sinabi ni dating senate president Tito Sotto na sila (Vic, Joey) ay nakakatanggap na ng mga alok mula sa ibang network.

Samantala, ayon sa isang article sa PEP, pumirma na ng kontrata ang TVJ kasama si TV5 Chairman Manny V. Pangilinan noong May 29.

Ayon naman sa reliable source ng Philstar.com, may nagaganap na umanong pag-uusap sa pagitan ng “Eat Bulaga!” at ni Bacolod City mayor Albee Benitez tungkol sa paglipat nito sa TV5.

Si Benitez ang nagtatag at may-ari ng Brightlight Productions, ang TV production company sa likod ng dating karibal na noontime show ng "Eat Bulaga" na "Lunch Out Loud" na kalaunan ay na-reformat sa wala na ngayong "Tropang LOL," gayundin ang palabas ni Korina Sanchez na "Rated Korina" at variety show na "Sunday 'Kada.”

Naging bahagi na rin noon ng TV5 sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, kabilang sa mga naging programa nila sa network ang “TVJ on 5 (TeleVision's Jesters on 5),” “Who Wants To Be A Millionaire?,” “The Jose and Wally Show Starring Vic Sotto,” “Wow Mali!,” "My Darling Aswang" at marami pang iba.

Abangan pa natin ang mga susunod na kabanata.

SOURCES:
● https://www.philstar.com/entertainment/2023/05/31/2270460/vic-sotto-tito-sotto-joey-de-leon-announce-eat-bulaga-departure-tape-move-tv5-source

● https://www.pep.ph/news/local/173647/tito-vic-joey-de-leon-goodbye-eat-bulaga-a718-20230531

● https://www.pep.ph/news/local/173647/tito-vic-joey-de-leon-goodbye-eat-bulaga-a718-20230531

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form