IT'S OFFICIAL! TVJ AT MGA DABARKADS, OPISYAL NANG KAPATID!


Dabarkads finds a new home.

Matapos ang 28 years na pananatili sa GMA Network, mapapanood ang comedic triumvirate nina dating Senador Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa bago nitong tahanan, ang TV5.

Ngayong araw, June 7 ay pormal na inanunsyo ng MediaQuest Holdings, ang parent company ng TV5 na sa Kapatid Network na nga mapapanood ang TVJ trio kasama ang mga Dabarkads na sina Allan K., Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Pauleen Luna-Sotto at Carren Eistrup.

“The Mediaquest Group has entered into an agreement with Tito, Vic, and Joey and the Dabarkads to produce content for TV5 and other Mediaquest platforms,” saad ng MediaQuest sa isang press release statement.

Narito ang buong pahayag mula sa Mediaquest Holdings, Inc. tungkol sa paglipat-bahay ng TVJ sa Kapatid Network:
Nagpasalamat naman si Sotto sa mainit na pagtanggap ng Kapatid Network sa kanilang lahat.

Giniit din ng dating Senador at 2022 vice-presidential aspirant na ang "Eat Bulaga!" na title pa din ang kanilang gagamitin sa paglipat nila sa TV5.

Matatandaang umalis sa GMA Network ang TVJ matapos nilang mag-resign sa Television and Production Exponents, Inc. (TAPE) ng angkan ni dating Congressman at convicted child rapist Romy Jalosjos dahil sa ilang isyu, tulad ng utang ng TAPE sa TVJ trio at ang paghalo ng usapang pulitika sa noontime show.


1 Comments

Previous Post Next Post

Contact Form