"BYAHE-NIHAN", TULOY NGAYONG HUNYO SA WOMAN IN ACTION


May nagbabalik! Ngayong Hunyo, samahan ang Woman In Action Gretchen Ho sa kanyang mga bago at kapana-panabik na adventures dahil tuloy ang #ByaheNihan

Sa pagdiriwang ng ika-125 na anibersaryo ng ating Kalayaan, dadalhin tayo ng Woman In Action sa isang natatanging paglalakbay sa bansang Espanya, ang bansang may malalim na impluwensya sa ating kultura, kasaysayan, at maging sa ating kulinarya.

Mamangha sa ganda ng mga siyudad ng Espanya at alamin kung ano ang koneksyon ng kanilang kasaysayan sa ating pagka-Filipino. Susundan natin ang naging buhay ng ating Pambansang Bayani Dr. Jose Rizal sa kanyang pananatili sa Madrid. Kikilalanin din natin ang ilan sa ating mga kababayang namamayagpag sa Espanya at kung bakit ang karamihan sa kanila ay piniling sa Espanya na tumira. 

At siyempre hindi kumpleto ang biyahe kung wala ang food trip! Mula sa cochinillo, hamon, hanggang sa paborito nating ensaymada – matatakam ang mga manonood habang tinutuklas ang koneksyon ng mga ito sa ating mga lutuin bilang mga Pilipino.

Tatlong siyudad – Madrid, Toledo, at Barcelona – at isang paglalakbay na bubusugin at hindi kayo bibitinin sa kaalaman, kuwentuhan, at pagkain!

But wait, there’s more! Mula Espanya ay bibisita rin ang Woman In Action sa Batangas! Sabi nga ng kanilng tourism slogan,  “So near, it’s all here!” Mula sa kanilang historic town ng Taal hanggang sa nakamamanghang yaman ng Isla Verde passage, bibisitahin din ang kanilang future farms!

Kaya naman, G ka na bang sumama?

Huwag palagpasin ang bagong episodes ng Woman In Action simula sa Sabado, June 17, 7:30PM sa One News at catch-up sa Linggo, June 18, 8:00PM sa One PH.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form