GÜD MORNING KAPATID, SISIKAT NA NGAYONG LUNES, JUNE 19 SA TV5


Simula ngayong June 19, mas palalakasin ng News5 ang morning habit ng bawat Pilipino sa pagsisimula ng kanilang morning show, ang #GudMorningKapatidTV5.

I-aanchor ng Kapatid news personalities na sina Gretchen Ho, Jes delos Santos at Justine Quirino ang morning program na eere simula bukas, June 19, 9:30AM sa TV5.

Pinapangako ng kanilang team na isang informative yet entertaining morning program ang matutunghayan ng mga Kapatid, tamang tama sa mga humihigop ng kape tuwing umaga.

Samantala, nakatanggap naman ng samu't saring papuri mula sa netizens ang Kapatid primetime newscast na Frontline Pilipinas nitong isang linggo.

Ito ay matapos i-welcome ng Frontline Pilipinas ang Summer MMFF 2022 Best Supporting Actress winner KaladKaren Davila (Jervy Li) bilang showbiz news anchor, ang kauna-unahang LGBT personality na mapanood sa isang regular newscast.

Ganundin ang pag-welcome nila kay Mikee Reyes bilang sports anchor ng Kapatid top-rating newscast, matapos itong ipagmalaki ng tattoo artist ni Reyes na si Doi Suason sa kanyang social media account.

Si Reyes ang kauna-unahang fully tatted news anchor ng Pilipinas, kung saan binasag nito ang mga nakagawian ng mga Pilipino sa panonood ng primetime newscast.

Napapanood ang #FrontlinePilipinas gabi-gabi, 6:30PM sa #TodoMaxPrimetimeSingko ng TV5.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form