PILIPINAS LIVE, BAGONG OTT PLATFORM PARA SA MGA PINOY SPORT FAN, ILULUNSAD NA NGAYONG TAON

Paparating na ang one-stop destination ng mga Pinoy para mapanood ang mga paborito mong sports kahit saan ka man sa Pilipinas.


Ito ay ang PILIPINAS LIVE, ang bagong over-the-top streaming platform na ilulunsad ngayong taon. Layon ng nasabing platform na maging tahanan ng mga bigating sports coverage sa Pilipinas tulad ng PBA, UAAP, PVL, Spiker's Turf, maging ang paparating na FIBA World Cup.

Ang PILIPINAS LIVE ay magiging available sa lahat ng platforms mula sa android, iOS at maging sa inyong mga personal computer. May plano din ang nasabing streaming service na i-offer ang PILIPINAS LIVE sa ibang parte ng mundo once na maging successful ang launching nito sa Pilipinas.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang https://pilipinaslive.com/home para mag-register.

Source: Official Facebook page.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form