TV5 × ABS-CBN COLLAB CONTINUES! TV5 AND ABS-CBN SIGNS 5-YEAR CONTENT AGREEMENT DEAL

Mas pinatibay at mas pinatagal ang samahan ng mga Kapatid at Kapamilya.


Ngayong araw, June 28 ay nagsama-sama ang mga TV5 at ABS-CBN executives para ma-selyuhan ang 5-year content agreement deal ng Kapamilya at Kapatid Network.

Present sa pirmahan ng kontrata sina TV5 Chairman Manny V. Pangilinan, TV5 President and CEO Guido Zaballero, Cignal President and CEO Jane Basas, ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak at ABS-CBN Chief Operating Officer (COO) for Broadcast Cory Vidanes. 

Kasama sa content agreement ang pagpapatuloy ng pagpapaere sa TV5 ang mga ABS-CBN Primetime Bida block na kinabibilangan ng FPJ's Batang Quiapo, The Iron Heart, Dirty Linen at The Tale of Nokdu; weekend shows tulad ng Everybody, Sing!, I Can See Your Voice, ASAP Natin 'To at FPJ: Da King at ang morning talk show na Magandang Buhay.

Bukod dito, lalong palalakasin ang pagsasanib-pwersa ng mga Kapatid at Kapamilya dahil mapapanood din ang dalawang bagong teleserye na Pira-Pirasong Paraiso at Nag-Aapoy na Damdamin, ang co-production teleseryes ng ABS-CBN Entertainment at TV5 na mapapanood na ngayong Hulyo sa Hapon Champion Block ng TV5 at iba pang platforms ng ABS-CBN.

"We are committed to deliver content that the Filipino viewers enjoy. ABS-CBN is a valuable partner that will enable TV5 to bring compelling content and innovative shows that Filipinos will love." wika ni TV5 President and CEO, Guido R. Zaballero.

Nitong January 2021 nang magsimulang umere ang ABS-CBN Sunday shows na ASAP Natin 'To at FPJ: Da King movie block sa Kapatid Network, na sinundan naman ng primetime block ng Lopez-led content provider nitong March 2021, at ng pag-ere ng mga pelikula ng ABS-CBN Film Productions sa Cine Cinco block nitong July 2021.

June 2022 naman ay napapanood na rin sa Kapatid Network ang weekend primetime shows na sinundan ito ang pag-ere ng longest-running Kapamilya noontime variety show na It's Showtime sa TV5 nitong July 16, 2022.

Noong February 7, 2023 naman nang umere din ang longest-running Kapamilya morning talk show na Magandang Buhay.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form