BAGONG KAPATID NOONTIME SHOW, KASADO NA SA JULY 1!

Kasado na ang bagong Kapatid Noontime Show ng Iconic Noontime Trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon kasama ang mga Legit Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Allan K, Ryan Agoncillo at Carren Eistrup na gaganapin sa July 1, Sabado simula 11:30 AM.

Sa Pilot Episode pa lang ng bagong noontime show, maraming pasabog ang sasalubong sa unang araw ng Hulyo! May mga bagong games and segments na tiyak ikatutuwa ng mga Legit Dabarkads! Bigatin din ang Special Guest dahil bibisita sa TVJ Noontime Show ang nag-iisang Megastar, Ms. Sharon Cuneta! Maraming special performances ng mga paboritong Legit Dabarkads na aabangan; at higit sa lahat, ang inaabangang big reveal ng bagong pangalan ng Kapatid Noontime Show na iaanunsyo din mismo sa Pilot Episode!

Bilang bahagi ng Pilot Week ng bagong Kapatid Noontime Show, mapapanood ang TV5 SD sa lahat ng Cignal at SatLite Users, may load man o wala mula July 1, 2023 hanggang July 8, 2023 mula Batanes hanggang Jolo.

Panoorin ang bagong Noontime Show nina TVJ at mga Legit Dabarkads ngayong July 1, Sabado, LIVE NA LIVE tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12:00nn at tuwing Sabado, 11:30am, dito lang sa Lunchtime Saya ng TV5!

Mapapanood din ng simulcast sa One PH ng parehong oras at may catch-up episode sa BuKo Channel ng alas-5:00 ng hapon.

Mapapanood ang TVJ at mga Legit Dabarkads sa mga sumusunod:
- TV5 sa Free TV Ch. 5, DTT Free TV Ch. 18/51 at mapapanood nang libre sa Cignal at SatLite Ch. 5 sa SD hanggang July 8.
- TV5 HD sa Cignal at SatLite Ch. 15 at Cignal Play.
- OnePH sa Cignal at SatLite Ch. 1, DTT Free TV Ch. 18/51 at Cignal Play
-BuKo sa Cignal at SatLite Ch. 2 at Cignal Play.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form