BAGONG SEGMENT NG E.A.T. NA "SUGOD BAHAY", NILUNSAD NGAYONG SABADO


Ngayong Sabado, July 8 ay nilunsad ng bagong noontime show ng TV5 na E.A.T. ang bago nilang segment na "Sugod Bahay."

Sa nasabing segment, susugod ang ating mga legit dabarkads sa mga barangay upang magdala ng swerte lalong lalo na sa mga hindi makapunta sa kanilang studio sa Reliance.

Nitong Sabado, sina legit dabarkads Ryzza Mae Dizon, Ryan Agoncillo at Paolo Ballesteros ang sumugod sa isang barangay sa Mandaluyong City at isang maswerteng manonood ang nasugod bahay at nabigyan ng limpak-limpak na papremyo galing sa mga sponsors ng nasabing noontime show.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Kapatid Insider, may ilang segments na hindi pa mailulunsad sa ngayon dahil pinaghahandaan pa nila ang mga kagamitan at props na gagamitin sa ilang mga segments tulad ng "Oo Hindi Pwede".

Mapapanood ang E.A.T. ng TVJ kasama ang mga #LegitDabarkads tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12:00pm at tuwing Sabado, 11:30am sa TV5 at One PH. May replay telecast din sa BuKo Channel sa Cignal tuwing 4:00pm ng Lunes hanggang Sabado.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form