APO HIKING SOCIETY, IPAGDIRIWANG ANG IKA-50 NA ANIBERSARYO SA 'ASAP NATIN 'TO'


Humanda muli sa isa nanamang bigating weekend concert experience, tampok ang mga bigating selebrasyon mula kina Seth Fedelin, APO Hiking Society, at iba pang mainit-init na sorpresa mula sa paborito ninyong Kapamilya stars ngayong Linggo (Hulyo 9) sa ASAP Natin 'To" sa TV5.
 
Balikan natin ang musika ng iconic OPM group na APO Hiking Society sa kanilang ika-50 taon sa industriya, tampok ang kanilang classic hits kantahan sa pangunguna nina Boboy Garrovillo at Jim Paredes kasama sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Nina, at Jona sa "The Greatest Showdown."
 
May kaabang-abang din na birthday pasabog ang Kapamilya heartthrob na si Seth Fedelin, habang may bigating P-Pop bonanza naman ang BINI, BGYO, PLUUS, at YGIG kasama sina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Jeremy G, pati ang buong ASAP family with Robi Domingo. Makiki-party rin ngayong Linggo ang hot celebrity couple nina Marco Gumabao at Cristine Reyes.
 
Magbabaga naman ang dancefloor sa wild "Clash Dance" tapatan nina Chie Filomeno at "Nag-Aapoy na Damdamin" star Jane Oineza. Hindi rin pahuhuli sa hatawan ang collab nina Asia's Pop Heartthrob Darren, Gela Atayde, at Legit Status.
 
Abangan din ang power divas kantahan nina Angeline Quinto at Regine Velasquez, pati ang mga solo pasabog ng next-gen multi-talented artists na sina Anji Salvacion, AC Bonifacio, at Belle.
 
At pakatutukan ang Alicia Keys medley biritan nina Jona, Jed Madela, Kyla, Sheryn Regis, Frenchie Dy, Elha Nympha, Khimo Gumatay, JM Yosures, Sheena Belarmino, Fana, Lyka Estrella, at Radha Cuadrado.

Tara at maki-party muli kasama ang paborito ninyong stars sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa Weekend Trip ng TV5!

Mapapanood ang TV5 sa Analog, Digital Free TV at Cable at sa TV5 HD sa Cignal TV Channel 15 at sa Cignal Play App via TV5 HD Livestream.

Source: ABS-CBN PR

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form