ARJO ATAYDE AT MAINE MEDOZA, IKAKASAL NA DAW SA JULY 28


SCOOP: Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde at E.A.T. co-host Maine Mendoza, ikakasal na daw ngayong July 28 sa Baguio City ayon sa ilang sources ng Abante.

Importante daw na petsa ito para kay Mendoza dahil ito raw ang petsa noong 2013 na nag-tweet ang aktres ng "arjo cutie", patungkol sa paghanga nito sa bagitong pulitiko at Kapamilya actor.

Ito rin daw ang petsa noong 2018 na una silang magkita para sa MMFF 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles ng CCM Film Productions, APT Entertainment at MZet Films.

Unang naging magkarelasyon sina Atayde at Mendoza noong December 2018, pero taong 2019 noong unang pumutok ang isyu na nagde-date sina Mendoza at Atayde na agad binatikos ng ilang fans ng AlDub ng kanyang dating ka-loveteam sa Kalyeserye ng Eat Bulaga! na si Alden Richards.

December 2019 nang buong pusong ipagmalaki ni Atayde si Maine bilang kanyang girlfriend nang i-post ni Arjo sa kanyang Instagram account ang 1st anniversary nilang dalawa.

July 2022 nang mag-propose ng kasal si Arjo kay Maine, isang buwan matapos ring manalo ni Atayde bilang Congressman ng 1st District ng Quezon City.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form