GUS ABELGAS, BALIK-TELEBISYON PARA SA BAGONG PROGRAMA SA ONE PH

Nagbabalik telebisyon ang batikang crime reporter na si Gus Abelgas para sa bago niyang investigative program na "Forensics" na mapapanood simula ngayong Hulyo sa One PH.


Ang "Gus Abelgas Forensics" ay tatalakay sa mga kasong tinutukan na siyang babalikan upang bigyan ng mas malalim na paghihimay at pagsisiyasat ng ebidensya. Dito ay mas mabibigyang detalye ang konteksto ng bawat kaso, maging ang puno't dulo ng lahat.


Ang batikang crime reporter na si Gus Abelgas ang magsisilbing host at narrator sa nasabing palabas. Hindi na siya bago sa ganitong klaseng palabas. Mas nakilala natin si Gus Abelgus sa dati niyang programa na S.O.C.O. na umere sa loob ng 15 taon sa ABS-CBN.

Magsisimula ang "Gus Abelgas Forensics" ngayong July 15, tuwing Sabado 7:00pm sa One PH.

Mapapanood ang One PH sa Cignal TV at SatLite TV Channel 1, livestream via Cignal Play for FREE at sa inyong mga Digital TV Boxes.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form