E.A.T. AT IST, NANGUNGUNA SA RATINGS AYON SA NIELSEN PH; EB NG TAPE, LUMALABAN

Buong Pilipinas ang tumutok sa bagong Kapatid noontime show na "E.A.T" nina dating Senador Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon kasama ang buong #LegitDabarkads. 

Ayon sa nakalap naming impormasyon mula sa datos ng Nielsen Philippines (Total Urban Philippines), bagama't kapansin-pansin ang pagbaba sa ratings game ng programa ay napanatili ng "E.A.T." ang pangunguna nito.

E.A.T. (TV5) TV Ratings:
Saturday, July 1 - 8.4%
Monday, July 3 - 6.3%
Tuesday, July 4 - 5.0%
Wednesday, July 5 - 4.6%
Thursday, July 6 - 4.4%
Friday, July 7 - 3.9%
Saturday, July 8 - 4.7%

Tinutukan din ng mga Kapamilya, Kapuso, ka-A2Z at Madlang Pipol ang pilot week ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime sa GTV, ang secondary free-to-air channel ng GMA Network; matapos nilang umalis sa TV5 na naging tahanan nila ng halos isang taon.

It's Showtime (Combined Ratings of Kapamilya Channel, A2Z, Jeepney TV and GTV) TV Ratings:
Saturday, July 1 - 4.0%
Monday, July 3 - 3.0%
Tuesday, July 4 - 3.1%
Wednesday, July 5 - 3.5%
Thursday, July 6 - 3.5%
Friday, July 7 - 3.2%
Saturday, July 8 - 3.0%

Sa kabila ng samu't-saring batikos, tila nagkaroon pa rin ng improvement sa ratings game ang sariling bersyon ng "Eat Bulaga" ng TAPE Inc. ng pamilya Jalosjos. 

Eat Bulaga (GMA) TV Ratings:
Saturday, July 1 - 2.6%
Monday, July 3 - 3.3%
Tuesday, July 4 - 3.3%
Wednesday, July 5 - 3.3%
Thursday, July 6 - 3.5%
Friday, July 7 - 3.3%
Saturday, July 8 - 3.0%

Kapansin-pansin na mula July 1-8, 4.5% ang nalagas sa E.A.T ng TVJ Productions at TV5 samantalang 0.8% naman ang nawala sa audience share ng It's Showtime ng ABS-CBN Entertainment; sa kabilang banda naman ay nagkaroon ng 0.7% increase ang Eat Bulaga! ng TAPE Inc. sa GMA Network.

Sabay na umeere ang E.A.T, It's Showtime at Eat Bulaga! mula Lunes hanggang Biyernes, 12NN at Sabado, 11:30AM.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form