KI Flashback | JULY 16, 2022: TROPANG LOL AT IT'S SHOWTIME, BACK-TO-BACK NA MAGPAPASAYA SA TANGHALIAN SA TV5


Isang taon na ang nakalipas nang gumihit ng kasaysayan sa Philippine TV ang mga Kapatid, Kapamilya, Katropa at Madlang People. 

July 16, 2022 na magsimulang umere nang back-to-back ang Kapatid noontime show na "Tropang LOL" ng Brighlight Productions at ang longest-running Kapamilya noontime show na "It's Showtime" ng ABS-CBN Entertainment sa TV5 under Lunchtime Saya block.

Ito ay sabay ding napanood sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, samantalang umere din ang It's Showtime sa Jeepney TV, isa sa mga cable channels ng ABS-CBN. 

Sa hudyat ng pagbubukas ng Tropang LOL, isang kakaibang opening production number ang inihanda ng mga hosts, naki-chismis sa mga ganap sa MariTest at naantig sa isang love story segment na H.O.P.E..






Sa It's Showtime naman, isang pasabog na opening production number ang ibinigay ng mga It's Showtime hosts, hudyat ng kanilang pagsisimula sa Kapatid Network.


During their pilot airing sa TV5, nagpakitang gilas naman ng kagandahan at talento sa Semifinals ng Showtime Sexy Babe.


Dahil dito, nag-trending ang #ShowtimeLiveSa5 at #TropangLOLSanibPwerSAYA sa Twitter Philippines.


Matatandaang nitong July 6, 2022, inanunsyo sa Kapatid primetime newscast na Frontline Pilipinas ang balitang pagsa-sanib pwersa ng Tropang LOL at It's Showtime sa TV5.

Habang kinumpirma naman ito ng ABS-CBN Integrated Corporate Communications noong July 11, 2022. 

Ngunit hindi nagtagal ang back-to-back airing ng dalawang programa.

April 29, 2023 nang magpaalam sa ere ang Tropang LOL dahil sa hindi na nitong magandang performance sa ratings game, na pinalitan agad ng Face 2 Face. 


June 30, 2023 naman nang magpaalam sa TV5 ang Kapamilya noontime show, upang magbigay daan sa pagbabalik noontime ng comedic trio na sina dating Senador Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon matapos nilang kumalas sa Television and Production Exponents Inc. (TAPE) at GMA Network.


Ngunit kaagad nakahanap ng dagdag na tahanan ang It's Showtime sa pamamagitan ng GTV, ang secondary free-to-air channel ng GMA Network. 

Mapapanood pa rin ang It's Showtime sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV at GTV.

Ang "E.A.T." nina Tito, Vic at Joey at ng Legit Dabarkads ang kasalukuyang noontime show ng Kapatid Network na umeere mula Lunes hanggang Biyernes, 12NN at Sabado, 11:30AM.

(Photo Screenshots of Tropang LOL and It's Showtime are credit from TV5 Twitter Account.)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form