TVJ, NAGSAMPA NA NG KASO LABAN SA TAPE AT GMA NETWORK UKOL SA RIGHTS NG "EAT BULAGA"


Naglabas na ng court order ang Marikina Regional Trial Court (RTC) Branch 273 na nagbibigay ng tatlumpung-araw (30 days) sa Television and Production Exponents, Inc. (TAPE) at GMA Network, Inc. (GMA-7) upang sagutin ang inihaing copyright infringement at unfair competition complaint ng comedic trio nina dating Sen. Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at creative head nito na si Jenny Ferre.

Nagsampa ng kaso ang TVJ at si Ferre laban sa TAPE Inc. at GMA-7 noong June 30 matapos magpalabas ng replay episodes ng programang "Eat Bulaga!" ang TAPE Inc. noong June 1 hanggang 3 na hindi man lang daw ipinaalam sa TVJ trio.

Matatandaang noong May 30, 2023 nang pormal na kumalas ang TVJ, mga co-host at majority ng mga staff sa TAPE Inc. matapos ang di pagkakaayos sa pagitan nila at ng pamilya Jalosjos. 


Kalaunan, naglabas na ng pahayag ng pamunuan ng GMA Network ukol dito.
Sinagot din ng pamunuan ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE) sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Maggie Abraham-Garduque ang isinampang reklamo ng TVJ at ni Ferre laban sa production firm.


Sa isa namang panayam, hindi na nagbigay pa ng komento si dating Senador Tito Sotto ukol sa isinampa nilang reklamo laban sa TAPE at GMA-7.

Tikom din ang bibig nila Vic Sotto at Joey de Leon ukol rito.

(Photo credit from News5, GMA Public Affairs and The Kapatid Buzz)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form