BACK-TO-BACK FULL TRAILER NG DALAWANG PROGRAMA NG ABS-CBN-TV5 COLLAB, NAIPALABAS NA


Nilabas na ng TV5 at ABS-CBN Entertainment ang full trailer ng mga teleseryeng, "Pira-Pirasong Paraiso" at "Nag-aapoy na Damdamin".

Ang dalawang serye na ito ang mga bagong afternoon teleseryes ng ABS-CBN, matapos ang humigit kumulang dalawang taon. 

Iikot ang kwento ng "Pira-Pirasong Paraiso" kay Diana na ginampanan ni Charlie Dizon ukol sa paghahanap niya ng isang kapatid na nawawala ngunit papasok si Baby na ginagampanan naman ni Loisa Andalio, magpapanggap bilang kapatid ni Diana.

Si Angela naman na ginagampanan ni Alexa Ilacad na isang news Reporter na susundan ang Pamilya ni Diana ukol sa kanyang nawawalan kapatid; at si Hilary naman na gagampanan ni Elise Joson ang magiging kasangga ni Baby sa kanyang buhay. Ngunit ano kayang piraso ang bubuo sa kanilang pagkatao? 

Mula sa direksyon nina Raymond B. Ocampo at Roderick P. Lindayag na naging mga direktor din ng ABS-CBN top rating series na Wildflower, pagbibidahan ito nina Charlie Dizon, Loisa Andalio, Alexa Illacad, Elise Joson, Joseph Marco, KD Estrada at Ronnie Alonte. Abangan ang kanilang Kwento nilang Apat sa Pira-Pirasong Paraiso, ngayong July 25, Weekdays at 3PM at Saturdays at 2:30PM

Samantala naman sa "Nag-aapoy na Damdamin," iikot ang isang kwentong puno ng gantihan sa pagitan ng dalawang lalaki na gustong makamit ang hustisya para sa kanilang amang pumanaw.

Ngunit sa pagpasok ng Dalawang Babae para sa kanilang Buhay, ano kaya makakamit? Pagibig ba o Paghihiganti? Sigurado ba sila na kilala nila ng lubusan ang kanilang asawa? Sisiklab na ang Power Couples.

Sa Direksyon nina FM Reyes at Benedict Mique, pagbibidahan ito nina Ria Atayde, Jane Oineza, Kapatid Comeback ni JC De Vera at Tony Labrusca. Mapapanood ang Nag-aapoy Na Damdamin, ngayong July 25, Weekdays, 3:50pm.

Talagang EXCITING ang July dahil MAS PINALAKAS, MAS KAKAPITAN, MAS TUTUKAN at MAS PAGUUSAPAN ng BUONG SAMABAYAN.

Abangan ang MAS MAPANGAHAS na Hapon Champion, simula ngayong July 25 dito sa TV5!

Available ang TV5 sa free TV Channel 5, digital TV boxes, cable providers nationwide at livestreaming sa Cignal Play App.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form