MAS PINALAKAS NA "HAPON CHAMPION" BLOCK NG TV5, INAABANGAN NA NG MGA KAPATID AT KAPAMILYA!

Simula July 25, Martes, mabubuo na ang ating hapon habit araw-araw sa mas pinalakas na "Hapon Champion" Block ng TV5.

Sisimulan ito ng kuwento nina Soo at Wooyeon na tiyak kakikiligan tuwing hapon, ang "More Than Words."
Sa status nina Lee Soo at Kyung Wooyeon, mananatiling lang bang Kaibigan ang turingan after 10 Years o may isa sa kanila na marerealize kung gaano ka-importante ang isang taong makasama sa kanyang Buhay?

Starring one of the member of K-Pop Boy Group of Wanna One, Ong Seongwu and the Blue Dragon Series Award Best Actress, Shin Ye Eun; mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30PM. 

Susundan ito ng kauna-unahang teleserye collaboration ng ABS-CBN Entertainment at TV5 na bubuo sa ating hapon, ang "Pira-Pirasong Paraiso." 


Iikot ang kwento kay Diana at sa kanyang misyon na hanapin ang nawawala nitong kapatid, ngunit paano nga ba ito masisira sa pagpasok ni Baby sa kanyang buhay?. 

Si Angela naman ay isang news reporter na susundan ang pamilya ni Diana ukol sa kanyang nawawalan kapatid; at si Hilary ang magiging kasangga ni Baby sa kanyang buhay. 

Ngunit ano kayang piraso ang bubuo sa kanilang pagkatao? Mula sa direksyon nina Raymond B. Ocampo at Roderick P. Lindayag na naging mga direktor din ng ABS-CBN top rating series na Wildflower, pagbibidahan ito nina Charlie Dizon, Loisa Andalio, Alexa Illacad, Elise Joson, Joseph Marco, KD Estrada at Ronnie Alonte; mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3PM at Sabado, 2:30 PM.

Susundan naman ito ng isa pang teleserye collaboration ng ABS-CBN Entertainment at TV5 na lalong magpapainit sa ating hapon, ang "Nag-Aapoy na Damdamin".


Iikot ang kwento nito sa pagitan ng dalawang lalaki na gustong makamit ang hustisya para sa kanilang amang pumanaw, ngunit sa pagpasok ng dalawang babae para sa kanilang buhay, ano kaya makakamit? Pagibig ba o Paghihiganti? Sigurado ba sila na kilala nila ng lubusan ang kanilang asawa?

Sa ilalim ng direksyon nina FM Reyes at Benedict Mique, pagbibidahan ito nina Ria Atayde, Jane Oineza, JC De Vera at Tony Labrusca; mapapanood ang Nag-aapoy na Damdamin simula ngayong July 25, Lunes hanggang Biyernes, 3:50pm.

Susundan naman ito ng teleserye mula sa Studio Viva at Sari Sari Network Inc., ang "Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan". 

Mula sa 1983 award-winning classic ng Viva Films at sa kwento ni Carlo J. Caparas, iikot ang kwento sa pagmamahalan nina Rod at Helen; at kung paano papasok sa eksena si Rod. 

Pagbibidahan nina Christine Reyes, Marco Gumabao at Cesar Montano, mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 4:40PM. 

At muli rin balikan ang masaya at intense na hulaan sa pagbabalik ng Star Studded Mystery Singing Competition on TV, Masked Singer Pilipinas ng Viva Entertainment, hosted by Billy Crawford mula Lunes hanggang Biyernes, 5:30PM. 

Kaya tiyak na mas panalo ang ating #HaponChampionTV5 mula Lunes hanggang Biyernes, simula 2:30PM pagkatapos ng E.A.T (TVJ on TV5).

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form