MAY PINAPANIGAN? NETIZENS CHALLENGED MTRCB TO TAKE ACTION ON A CERTAIN SCENE IN TV5'S E.A.T.


Pine-personal nga ba?

Pinuna muli ng ilang netizens ang aksyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at chair nitong si Lala Sotto.

Ito ay matapos ipatawag din ng MTRCB ang GMA Network ukol sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime na umeere sa sister channel ng Gozon-led media empire na GTV.

Matatandaang pinatawag ng MTRCB ang ABS-CBN, GMA Network at team ng Kapamilya noontime show matapos punahin ng ilang netizens ang isang "icing" scene ni Vice Ganda at ng kanyang mister na si Ion Perez. 

Ani ng iba, bakit daw GMA Network lang ang pinadalhan ng ganitong sulat, gayung umeere rin daw ang It's Showtime sa A2Z ng ZOE Broadcasting Network.

Saad din ng ibang netizens, tila pamemersonal daw ang ginagawa ng MTRCB lalo't may kasong isinampa ang ama ni Sotto na si dating Senate President Tito Sotto ukol sa Eat Bulaga! trademark.

Maliban kasi sa TAPE Inc., dinawit din ng 2022 vice presidential aspirant ang GMA Network sa copyright infringement at unfair competition complaint na isinampa nila ng kapatid na si Vic Sotto at kaibigan na si Joey de Leon.

Nais din ng ilang netizens na imbestigahan ng MTRCB ang isang eksena sa noontime show ng TVJ Productions at TV5 na "E.A.T" ang eksena kung saan pabirong "hinalikan" ni Tito Sotto hanggang sa leeg ang kanyang misis na si Helen Gamboa-Sotto.

Sa ngayon, wala pang nilalabas na pahayag ang ABS-CBN, GMA Network, TV5 at TVJ Productions ukol sa kinasangkutan na issue ng dalawang noontime show.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form