MTRCB CHAIR LALA SOTTO, SUMAGOT NA SA MGA BATIKOS NA NATANGGAP SA SOCIAL MEDIA


Sa kauna-unahang pagkakataon, nagbigay na ng kanyang panig si dating Quezon City 6th District Councilor at MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio kaugnay sa kontrobersyang kinahaharap ngayon ng ahensya.

Matatandaang binatikos ng mga netizens ang desisyon ng MTRCB na babaan ng "Notice to Appear" ang ABS-CBN Corporation, GMA Network at ang team ng top-rating Kapamilya noontime show na It's Showtime, kaugnay sa isang episode na kumakain ng icing ang main host nito na si Vice Ganda at asawang si Ion Perez.

Sa panayam ng Cristy FerMinute ng 92.3 Radyo5 True FM at One PH, nanindigan si Sotto-Antonio na tama lang ang ginawa nilang aksyon lalo na't naka-ilang "stern warning" na daw sila laban sa 14-year old noontime show ng ABS-CBN.

“Yun po yung naging problema sa It's Showtime. That is why nagbigay po kami sa kanila ng notice to appear base sa aming sariling monitoring inspection unit and the proliferation of complaints.”, giit ni Sotto.

Sinabi din ni Sotto na hindi naman daw deserving na babaan ng "Notice to Appear" ang TVJ Productions at TV5 Network Inc. para sa programang "E.A.T."

Ayon kay Sotto, wala naman daw masama sa ginawa ng E.A.T co-host na si dating Senate President Tito Sotto at misis nitong si Helen Gamboa-Sotto.

Para kasi sa ilang netizens, dapat din daw ipatawag ng MTRCB ang Kapatid noontime show dahil sa pabirong halik na eksena ng mag-asawang Sotto.

Ironically, magulang din ni Lala sina Tito at Helen.

Dagdag ni Sotto, naniniwala daw sya na ang kanyang mga magulang ang perfect example ng isang maganda at maayos na wedded couple.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form