MTRCB, NAG-ISYU NG NOTICE OF APPEAR AND TESTIFY SA E.A.T.; WALLY BAYOLA, HUMINGI NG PAUMANHIN SA PUBLIKO


Nagisyu ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ng Notice to Appear and Testify sa production group ng Kapatid noontime show na "E.A.T." matapos ang di inaasahan na pagmumura ng isa sa mga host nito na si Wally Bayola sa "Sugod Bahay Mga Kapatid" segment kahapon, August 10.

Ang insidente na iyon ay labag daw sa Section 2 (B), Chapter IV ng Implementing Rules and Regulations of Presidential Decree No. 1986.

Nakatakda ang pagdinig sa Lunes, August 14 sa MTRCB Office.

Bago ito inilabas ng government agency ay humingi na ng paumanhin si Wally Bayola kasama si Jose Manalo sa publiko kanina sa E.A.T.

Aminado si Bayola na nagkamali ito sa kung kaya't buong pusong nagpakumbaba sa mga manonood.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form