E.A.T. BULAGA! AT PBA, MAPAPANOOD NA SA CNN PHILIPPINES SIMULA 2024


Mas mapapalakas pa ang viewing habit ng mga Pilipino simula January 2024.


Simula January 6, 2024, dalawang Kapatid programs ang mapapanood sa CNN Philippines.


Ito ang Kapatid top-rating noontime show na "E.A.T. Bulaga!" at ang PBA Season 48 Commissioner's Cup (na kasalukuyang napapanood sa A2Z sa Free TV, PBA Rush at Pilipinas Live App) tuwing Sabado at Linggo.


Kasunod ito ng anunsyo ngayong araw, December 22 ng TV5 Network Inc. kung saan kinumpirma nila ang kanilang partnership deal sa Nine Media Corporation, ang parent company ng CNN Philippines.



Ayon kay TV5 President Guido Zaballero, ang move na ito ay naaayon sa pangarap ni TV5 Chairman Manny V. Pangilinan na mas magbigay pa ng mga de-kalidad na programa sa Philippine TV sa mas malawak na pagkakataon. 


Magsisilbi rin itong pagbabalik ng comedic triumvirate nina dating Senador Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa Channel 9 after 34 years matapos umalis ng Eat Bulaga! sa RPN-9 noong 1989 para lumipat sa ABS-CBN Channel 2 sa kaparehong taon.


Magsisilbi rin itong pagbabalik Channel 9 ng PBA games matapos nilang umalis sa naturang TV station noong 2010 noon sila pa ay CS/9 at Solar TV.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form