"EAT BULAGA IS FINALLY HOME": TVJ, NAGPASALAMAT SA MGA SUMUPORTA SA KANILANG LABAN PARA SA EAT BULAGA! TRADEMARK


"Ito ang Eat Bulaga!".

Ito ang ipinagdiinan kanina ni E.A.T host Vic Sotto sa opening spills nito para sa Kapatid noontime show.

Kasunod ito ng desisyon ng Intellectual Property Office (IPO) na paboran ang trademark cancelation appeal ng comedic trio na sina dating Senador Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon laban sa Television and Production Exponents Inc. (TAPE) tungkol sa "Eat Bulaga" at "EB" trademark.

Sa ginanap na press conference naman kaninang umaga, ipinahayag ni TVJ Productions Chairman at E.A.T host Tito Sotto ang kanilang pasasalamat sa IPO, sa pamunuan ng TV5 at sa mga solid Dabarkads na sinamahan sila mula noong May 31, 2023 nung kumalas sila sa Jalosjos-led production firm.

Giit din ng TVJ Productions, walang karapatan ang TAPE na pagkakitaan ang programang pinaghirapan buuin ng iconic comedic trio.

Dagdag naman ni Henyo Master Joey de Leon, hindi lang basta title ang Eat Bulaga! kundi kasama daw nito ang mga kwentong nabuo sa nakalipas na 44 na taon nito sa ere.

Kinumpirma din ni ex-Sen. Sotto na gagamitin na nila ang "Eat Bulaga" name sa theme song ng kanilang programa, bagama't mananatiling "E.A.T" pa rin ang temporary title nito.

Sa huli, umaasa daw ang TVJ Productions na sa bandang huli ay kusang-loob na isusuko ng TAPE Inc. ang "Eat Bulaga!" name para wala nang gulo.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form