HOSTS NG "EAT BULAGA!" NG TAPE INC., BINANATAN NG MGA NETIZENS MATAPOS PANINDIGAN ANG "EB" TITLE


Sandamakmak na bashing ngayon ang inaabot ng mga host ng noontime show na "Eat Bulaga!" ng TAPE Inc. na umeere ngayon sa GMA Network.

Ito ay matapos nilang ipagsigawan kanina sa programa na pinangunahan ng controversial Kapuso artist na si Paolo Contis na "Eat Bulaga!" pa rin ang kanilang title sa kabila ng desisyon ng Intellectual Property Office (IPO) na kanselahin ang trademark registration ng Jalosjos-led production firm sa naturang pangalan ng programa.

Giit ng mga hosts in behalf of TAPE management, hindi pa daw final ang desisyon.

Saad ng mga netizens, tila "makapal" ang mukha ng mga hosts ng TAPE Inc. at sabay bira rin sa mga host na wala daw respeto sa comedic trio na sina ex-Sen. Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon na siyang bumuo ng titulo ng programa.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form