TULOY-TULOY ANG SAYA KASAMA ANG GUD MORNING KAPATID; GRETCHEN HO NAG PAALAM NA SA SHOW


Tuloy-tuloy parin maghatid ng kasiyahan, inspirasyon at impoarsyon to make your day right.

Nandyan parin ang mga segments tulad ng Kitang-Kita, Sabi ni Dok, Legal Ba to, Payong Kapatid, Loding Sikat, Tanong Ko Lang at mahahalagang balita na ihahatid ng Frontline Sa Umaga.

Nitong October 26, pinakilala na sa MediaCon ang bagong Kapatid na gigising at babati sa inyo ng Gud Morning Kapatid, ang Kapamilya award-winning actress na si Dimples Romana.

Ani Dimples, masayang-masaya siya maging parte ng Morning Show ng TV5 at mayron pa siyang bagong segement na aabagan natin tulad ng MAY Bahay at MOMents.

Pasabog din si Dimples na gamit-gamit ang iconic na red maleta nito sa ABS-CBN 2020 top rating series na Kadenang Ginto.

Samantala, nilinaw naman ng ABS-CBN na talent pa din ng Kapamilya Network si Dimples at under pa rin ito ng Star Magic, ang talent arm ng Lopez-led content provider. 

Nagpaalam naman sa morning show si Gretchen Ho nakaraang November 3 matapos ang ilang buwan nito sa programa.

Matatandaan natin na mula Frontline sa Umaga hanggang sa ni-reformat ito into Gud Morning Kapatid, si Gretchen ay nakasama natin gumising sa umaga upang makipag-huntahan at maki-alam sa mga balitang nangyayari sa ating bansa.

Mananatili pa rin naman sa TV5 at Cignal si Gretchen. 

SAMA na sa masayang mornings kasama sina Jes De Los Santos, Justin Quirino, Atty. Buko Dela Cruz, Dr. Dex Macalintal, Maui David, Chiqui Roa Puno at Dimples Romana sa mas pinasayang at lumalaking pamilya ng Gud Morning Kapatid! Weekday Mornings, 9:30am sa #GandangMorningsTV5!

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form