KI Wrap | October 14-22, 2023

Narito ang mga balitang Showbiz na inaabangan ng mga Pilipino mula October 14-22.

Can't Buy Me Love Premiere Week, pinag-uusapan

Pinag-usapan online ang premiere week ng Kapamilya series na #CantBuyMeLoveTV5 na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Sa unang linggo pa lang ng naturang serye, kinilig na ang mga netizens at DonBelle Fans sa ilang eksena nina Bingo at Caroline, mga karakter na ginampanan nina Pangilinan at Mariano, gayundin ay inabangan din ang mga intense na eksena.

Dahil dito, laging trending sa X (Twitter) ang hashtag episodes ng naturang serye, at sa unang araw nito ay nakakuha ito ng mahigit 400,000 concurrent viewers sa Kapamilya Online Live, at wagi rin sa Nielsen NUTAM Philippines na may 8% combined ratings laban sa 7.1% ng rival show nito sa GMA Network. 

PBA Games, mapapanood na sa A2Z

Inanunsyo ni TV5 President Guido Zaballero na mapapanood na ang mga laro ng PBA Season 48 sa bago nitong tahanan sa free TV, ang A2Z matapos makipag-kasundo ang TV5 sa ABS-CBN Corporation at Zoe Broadcasting Network upang maisa-katuparan ito.

Mapapanood ang mga laro ng PBA sa A2Z tuwing Miyerkules at Biyernes, 4PM at 8pm at Linggo 3PM at 6:15 PM. 


Sa pahayag naman ng ABS-CBN, nilinaw nito na mapapanood pa rin ang ABS-CBN primetime programs sa A2Z tuwing Lunes, Martes at Huwebes habang ang Everybody Sing! at I Can See Your Voice ay magkakaroon ng delayed telecast sa naturang channel.


BUONG ISTORYA:

10 Official Entries ng MMFF 2023; kumpleto na GomBurZa ng JesCom Films at MQuest Ventures, pasok sa MMFF

Nitong Miyerkules ay inilahad na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang 6 pang pelikula na pasok sa 2023 Metro Manila Film Festival.

1. Firefly mula sa GMA Pictures 
2. GomBurZa mula sa MQuest Ventures and JESCOM 
3. When I Met You In Tokyo mula sa JG Productions 
4. Becky and Badette mula sa The IdeaFirst Company 
5. Mallari mula sa Mentorque Productions 
6. Broken Hearts Trip mula sa BMC Films

Sasamahan nila ang unang apat (4) na film entries ng #MMFF2023, ito ay ang:
7. Kampon mula sa Quantum Films
8. Penduko mula sa Viva Films 
9. Rewind mula sa ABS-CBN Film Productions, APT Entertainment and AgostoDos 
10. A Family Of 2 (A Mother And Son Story) mula sa CineKo Productions 



Frontline Pilipinas Weekend, nagsimula na

Nagsimula nang umere ang Frontline Pilipinas Weekend nitong October 14, na pinangungunahan ni Jes Delos Santos at ng bagong dagdag sa pamila ng News5, ang dating Kapamilya news personality na si Nikki De Guzman.
Mapapanood tuwing Sabado, 5:30 PM ang weekend edition ng Kapatid top-rating primetime newscast, samantalang magsisimula na rin ang sunday edition nito sa November 11 sa kaparehong oras.


● It's Your Lucky Day Premiere Week, pinag-uusapan

Mainit na tinanggap ng mga Kapamilya, Kapuso at ka-A2Z ang It's Your Lucky Day na pinangunahan ng Kapamilya TV host na si Luis Manzano.

Ito ang pansamantalang humalili sa It's Showtime na sinuspinde ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng labing-dalawang (12) araw sa ere.

Naging bigatin ang mga pasabog ng naturang Kapamilya noontime show kung saan nitong Sabado ay naging special guest nila ang ina ni Manzano, ang Star for All Seasons at dating Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto. 

Level-Up na Entertainment at News ng Kapatid Network, inaabangan na!

Ibinalita sa Frontline Pilipinas nitong Biyernes ang mga bagong aabangan dito sa TV5. 

Nagsimula ngayong araw, October 22 ang pilot episode ng Celebrity Family Feud hosted by Steve Harvey na umeere every Sunday, 11AM bago ang #ASAPNatinTo at simula sa susunod na Linggo, October 29 naman ang Britain's Got Talent, every Sunday, 9:30PM pagkatapos ng #ICanSeeYourVoice. 

May pagbabago din sa Hapon Champion Block na dapat abangan simula bukas, October 23 dahil mapapanood na every 4:30PM ang best-of-the-best episodes ng #Face2FaceTV5 na magsisilbing kapalit ng Viva-produced teleserye na Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan. 


At may bago tayong makakasama sa Kapatid morning show na Gud Morning Kapatid!

Nitong Sabado ay nai-reveal na ng TV5 through their social media accounts si Maoui David, ang isa sa mga bagong kasama sa naturang programa.

At may pang bagong makakasama sa Gud Morning Kapatid na inaasahang iaanunsyo anytime soon. 

RELATED VIDEOS:

Para sa iba pang showbiz news, tumutok lang sa Kapatid Insider para sa updates.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form