NANA TOUR WITH SEVENTEEN, MALAPIT NA MAPANOOD sa TVN ASIA SA CIGNAL TV AT CIGNAL PLAY


Todomax na ang excitement para sa Pinoy CARATs dahil malapit nilang mapapanood sa tvN Premium HD sa Cignal at Cignal Play ang inaabagan "NANA Tour With SEVENTEEN".

Sa 6-part special ng travel and variety show na ito, matutuklasan ang Kpop's superior group ang ganda ng Italya kasama ang veteran producer na si Na Yeong Seok na siya rin gumawa ng ilan sa mga patok na variety shows tulad ng "2 Days & 1 Night" and "New Journey to the West."

Ayon sa tvN Asia, "With Na PD (producer) as the guide, this tour will be a chaotic adventure filled with travels and games surpassing everyone's imagination."

At makikita rin ang mga Pinoy CARATs ang kanilang Ultimate Bonding nila sa isa't-isa.

Samantala, hindi makakasama sa Italy trip na si Choi Seungcheol dahil sa kaniyang iniindang knee injury.

Sama na sa unforgettable trip na ito kasama ang multi-talented group, ang SEVENTEEN sa NANA Tour with Seventeen.

Mapapanood ngayong Jan. 5, Fridays at 8pm sa tvN Asia, same day sa South Korea.

Mapapanood ang tvN Premium HD sa Cignal TV sa Channel 237. Available sa Postpaid Plans 520, pataas at Prepaid Plans 600, pataas.

Meron din sa Prepaid Lite Plan 75, available din ito via livestream sa Cignal Play via Premium Plus 399.

Samantala, magbabalik-bansa ang SEVENTEEN para sa kanilang kauna-unahang arena concert dito sa bansa. 

Ito ay ang "TO FOLLOW in BULACAN" na gaganapin sa Philippine Sports Arena ngayong January 13 at 14.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form