TVJ CAMP, NANININDIGANG BAWAL NANG GAMITIN NG TAPE INC. AT GMA-7 ANG "EAT BULAGA!", "EB", THEME SONG AT MGA SEGMENT NITO


Sa panayam ng programang "Sa Totoo Lang" sa One PH, nilinaw ni Atty. Buko dela Cruz na base sa kautusan ng Marikina Regional Trial Court (RTC), bawal nang gamitin ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE) at GMA Network Inc. ang mga pangalang "Eat Bulaga!" at "EB", theme song nito, mga nakalipas na episode hanggang May 31, 2023 at mga naging segments ng programa tulad ng "Bawal Judgmental", "Kalyeserye", "Juan for All, All for Juan" at "Pinoy Henyo".

Kasunod ito ng desisyon ng Marikina RTC na panigan ang TVJ trio sa kanilang copyright infringement at unfair competition complaint laban sa dalawang kompanya at inaatasan ang Intellectual Property Office (IPO) na kanselahin na ang lahat ng trademark registration ng TAPE Inc. sa lahat ng database ng ahensya.

Dagdag ni Atty. dela Cruz na siya ring tumatayo bilang legal head counsel ng TVJ Productions, bagama't pwede pa daw umapela ang TAPE Inc. ay executory pa rin ang utos at kailangan nang sundin.

Sa kabilang banda naman, kinumpirma ni Atty. Maggie Abraham-Garduque, legal counsel ng TAPE Inc. na bagama't natanggap na at nagulat sila sa desisyon ng Marikina Regional Trial Court, nanindigan sila na hindi pa tapos anf laban at iaapela pa daw nila ito hangga't maaari. 

1 Comments

  1. Talagang KINAPALAN NA NG HUSTO ANG PAGMUMUKHA NG TAPE INC....

    ReplyDelete
Previous Post Next Post

Contact Form