ISANG PRO-TAPE SUPPORTER, NAGKAKALAT NG GULO SA MGA KAPUSO GC; GUSTO PAG-AWAYIN ANG MGA KAPUSO, KAPAMILYA AT KAPATID


Sa kabila ng mga magandang balita at healthy competition ng mga noontime shows ngayon, may ilan pa rin ang ayaw tumigil sa pagkakalat ng ka-toxic-kan ngayon sa social media.

Isang pro-TAPE blogger na may pangalan na "Prok Noy" ang nagkakalat ngayon ng gulo sa mga Kapuso Group Page. Ito ay matapos ibalita ng PhilStar na ang Its Showtime ng ABS-CBN Studios ang ipapalit sa nabakanteng 12:00PM timeslot ng GMA-7. 

Ayon sa kanya, hindi daw nagustuhan ng mga Kapuso fans ang balitang ito. Ayon sa kanya, mimamaliit daw ng mga Kapamilya fans ang GMA dahil sa walang kakayahan na makapag produce ng noontime show. 

Ayon sa kanya, binenta na raw ng TVJ sa Nielsen ang noontime slot para masiguro na #1 ang Eat... Bulaga! sa ratings game.

Ayon sa fact-checking na ginawa ng aming team, gayung may ilan na hindi sigurado sa magiging reaksyon, marami ang natuwa sa balitang paglalagay ng Its Showtime sa GMA dahil ito ang maituturing na madikit na katunggali ng Eat... Bulaga!. 

Isa din itong welcome development ayon sa mga nakausap naming mga Dabarkads dahil magiging maganda ang laban ang dalawang noontime show sa magandang paraan.

Isa sa mga adhikain ng Kapatid Insider ay ang matigil na ang tinatawag na "Network War". Walang away pero may kompetisyon. Ang kompetisyon ay dapat maging healthy lang. Maging matalino sa pagbibigay ng opinyon at kurokuro.

Sumasaludo pa rin kami sa mga pro-Kapamilya at pro-Kapuso pages tulad ng "Kapamilya Online World" at "Solid Kapuso Live Updates" sa pagiging fair at balance sa pagbabalita tungkol sa nirerepresenta nilang mga brand. Sana matigil na ang toxicity sa social media dahil anh karma ay nabalik ng sampung beses.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form