PAG-SORRY NI BEA, PAGSESELOS NI ANGELICA SA SANGGOL AT PAG-ARUGA NI ANGEL KAY ATE V. TAMPOK NGAYONG LINGGO SA CINECINCO!

May kanya-kanya tayong buhay, ngunit 'pag pamilya na ang usapan, sa hirap o ginhawa SAMA-SAMA tayo riyan. Tulad ng mga pelikulang mapapanood ngayong linggo (May 8-12) sa CINECINCO.
Buena Mano ngayong linggo ang pag-aalaga ni Ai Ai Delas Alas ng sampung dosenang anak bilang "ANG TANGING INA" sa Lunes, Mayo 8.
Paano kung sa pag-ampon ninyong mag-asawa, tsaka naman dumating ang pinapangarap ninyong magka-anak? Sina Edu Manzano, Maricel Soriano at Angelica Panganiban ang "AMA, INA, ANAK" na makikita mo sa Martes, Mayo 9.
Tatak Pampamilyang pelikula naman ang tampok ngayong Miyerkules sa pagdalo nila Bea Alonzo, Angel Locsin, Shaina Magdayao at Toni Gonzaga sa napipisil na kasal ni Enchong Dee sa "FOUR SISTERS IN A WEDDING" na mapapanood sa Miyerkules, Mayo 10.
Sa kagustuhang makilala ang tunay na Ama, Ano nga bang mararamdaman ng isang anak kung ang Tito't Nanay n'ya sa isang bubong magsasama? Alamin kasama sina, Zsazsa Padilla, Edu Manzano at Patrick Garcia bilang "BATANG PX" sa Huwebes, Mayo 11.
At sa Biyernes, Mag-aalaga naman ang baguhang nurse ng isang masungit na boss na may malubhang sakit. Keri kaya n'ya? Tatapusin nila Angel Locsin, Xian Lim, "Star For All Season" Vilma Santos ang linggo sa pelikulang "EVERYTHING ABOUT HER" sa Biyernes, Mayo 12.
Mapapanood ang mga nabanggit na pelikula sa CINECINCO, Lunes hanggang Biyernes, 3:30 ng Hapon sa Hapon Champion ng TV5. Mapapanood din sa LIVE CHANNELS ng Cignal Play nang libre.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form