UNANG LINGGO NG IT'S SHOWTIME SA 12NN SLOT, BIGLANG HATAW SA RATINGS


Sa unang linggo pa lang ng Kapamilya/Kapatid noontime show na #ItsShowtimeTV5 sa 12NN slot ay agad-agad na itong humataw sa TV ratings. 

Ito ang ratings ng #ItsShowtimeTV5 noong May 1-7, base sa inilabas na datos ng AGB Nielsen Media Research mula sa combined ratings ng Kapamilya Channel, A2Z, TV5 at Jeepney TV. 

May 1, Monday: 3.0%
May 2, Tuesday 2.2%
May 3, Wednesday: 2.4%
May 4, Thursday: 2.8%
May 5, Friday: 3.0%

Nitong May 6, Sabado, ang It's Showtime ay nakapag-tala ng 4.0% TV ratings.

Ito ang highest TV rating ng programa, tatlong taon matapos ang pagpapasara sa ABS-CBN Channel 2 noong 2020 ng administrasyong Duterte. 

Matatandaan na noong Sabado, ginanap ang Huling Tapatan ng Ikaanim na Taon ng Tawag Ng Tanghalan sa Showtime kung saan si Lyka Estrella mula sa General Santos City ang tinanghal na grand champion.

Kung ating babalikan, lumipat sa 12:45 PM slot ang #ItsShowtime nitong July 16, 2022 upang magbigay daan sa back-to-back airing nila ng Brightlight Productions' program na #TropangLOL.

Ngunit matapos ang humigit kumulang 9 na buwan, namaalam din sa ere ang #TropangLOL na naging hudyat para makabalik ang #ItsShowtime sa orihinal nitong oras.

Napapanood ang #ItsShowtimeTV5 ng ABS-CBN Entertainment tuwing 12NN sa TV5, sabay sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Showtime Online U, A2Z at Jeepney TV.

Available din ang #ItsShowtimeTV5 on-demand sa iWant TFC at Cignal Play (via TV5 and A2Z livestreaming), at mapapanood din ng ating mga Kapamilya at Kapatid sa abroad through TFC: The Filipino Channel.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form