CIGNAL TV, OFFICIAL BROADCASTER NG 19TH ASIAN GAMES SA HANGZHOU, CHINA


Kinumpirma ng Cignal TV na hawak nila ang broadcasting and streaming rights ng paparating na 19th Asian Games na gaganapin ngayong Setyembre sa Hangzhou, China.

Asahan na mapapanood ang extensive and exclusive coverage ng Asian Games sa mga sumusunod na platform ng Cignal tulad ng TV5 at One Sports sa free TV, One Sports+ sa Pay TV, Cignal Play, Smart LiveStream at Pilipinas Live naman via live streaming and on-demand.

Ang Asian Games o mas kilala sa tawag na Asiad ay isang continental multi-sporting event na ginaganap tuwing apat na taon. Bawat bansa sa Asya ay maglalaban-laban upang malaman kung sino ang pinaka-magaling sa iba't-ibang larangan ng sports. 45 na bansa ang magtatagisan ng galing, kasama na diyan ang bansang Pilipinas

Gaganapin ang 19th Asian Games ngayong September 23 hanggang October 8, 2023.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form