IT'S SHOWTIME, PINATAWAN NG 12-DAY SUSPENSION NG MTRCB

Pinatawan ng 12-airing day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Kapamilya noontime show na "It's Showtime".

Kaugnay ito sa naging viral video nina Vice Ganda at Ion Perez habang kumakain ng icing ng cake sa "Isip Bata" segment ng naturang programa.

Maliban sa Kapamilya Network, nakasaad din sa naturang utos na damay ang ZOE Broadcasting Network (A2Z) at TV5 Network, Inc. dahil na rin daw sa ilan pang naging warnings ng naturang programa.

Matatandaang nagsilbi rin bilang tahanan ng It's Showtime ang TV5 mula July 16, 2022 hanggang June 30, 2023 upang magbigay daan sa pagsisimula ng E.A.T ng TVJ Productions sa Kapatid Network. 

Naglabas ng pahayag ng pamunuan ng ABS-CBN kaugnay sa 12-day suspension na ipinataw ng MTRCB laban sa 14-year old Kapamilya noontime show. 


Ani nila, magsusumite sila ng Motion for Reconsideration dahil naniniwala raw ang Lopez-led media giant na walang nilabag na batas ang Kapamilya program.

Handa rin daw makipagtulungan sa MTRCB ang ABS-CBN at ang team ng programa para magtuloy-tuloy ang saya at entertainment na binibigay nito sa bawat Madlang Pipol.

Hindi na ito bago sa It's Showtime dahil noong 2010, pinatawan din ng 20-day suspension ng MTRCB ang programa matapos murahin ng dating sexy actress na si Rossana Roces ang mga teacher habang nagbibigay ito ng komento bilang isang hurado.

Hindi naman nasagad ang 20-day suspension dahil pinagbigyan ng Korte Suprema ang hiling ng ABS-CBN na Temporary Restraining Order (TRO) laban sa utos ng MTRCB.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form